18
thirdy1
By

2 haligi ng La Salle pababagsakin ni Thirdy

Sharing is caring!

Magpapasiklab muli ang isa sa pinakamainit na rivalry sa collegiate ranks sa paghaharap ng Ateneo Blue Eagles at De La Salle Green Archers sa 2018 Filoil Preseason Cup sa San Juan sa Araw ng Kalayaan, Hunyo 12 ng alas-kuwatro ng hapon.

Una sa team standings ang Ateneo (8-0) habang nakabuntot sa kanila ang La Salle (7-1).

Ito rin ang unang paghaharap ng dalawa simula nang magwagi ang Blue Eagles kontra Green Archers at maiuwi ang tropeo sa UAAP Season 80 noong Disyembre 2017.

Salang para sa La Salle ang twin towers na sina Justine Baltazar at Santi Santillan kasama ang former UAAP Juniors’ MVP na si Aljun Melecio.

Poporma naman para sa Ateneo ang tandem nina Thirdy Ravena at Isaac Go kasalo ang bagong reinforcement na si 6-foot-10 Angelo Kouame.

Nakataya rin ang top spot sa Group A ng torneo na makukuha ng magwawagi sa pagitan ng dalawang koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?