29

By

2 gun runners ng preso sa NBP, timbog

Sharing is caring!

Nadakip ng mga tauhan ng PNP CIDG NCR ang dalawang gun runners ng isa sa mga inmate o bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa harap ng isang KTV Bar sa F.B. Harrison St., Pasay City kamakailan.

Kinilala ni CIDG NCR Chief Sr. Supt. Wilson Asueta ang mga naarestong gun runner na sina Maurito Reniedo, dismissed na pulis, at Gerry Desoacido.

Ayon kay Asueta, alas-7:30 ng gabi nitong araw ng Linggo nang maaresto ang dalawa.

Narekober sa kanila ang iba’t ibang klase ng baril partikular ang Galil automatic rifle cal. 5.56; Jerico 9mm pistol (gov’t property); Taurus 24/7 cal. 40 pistol; tatlong magazine ng cal. 40; isang magazine ng 9mm, dalawang magazine ng 5.56 at mga bala.

Nasa kustodiya na ng PNP CIDG NCR ang mga suspek at nahaharap sa kaso. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?