2 graduating students hinarang sa collegian editorial exams ng UP

Sharing is caring!

Hindi pinakuha ng editorial examination ng Philippine Collegian ang dalawang graduating students ng University of the Philippines (UP).

Pumalag ang mga estudyante sa kabila ng paliwanag ng mga opisyal ng eskuwelahan na hindi sila nakatugon sa requirements para rito.

Diniskuwalipika ni UP Mass Communications Dean Elena Pernia sina Collegian’s ‘Kultura’ writer Marvin Ang at features writer Richard Cornelio na kumuha ng exam dahil graduating na umano ang mga ito at kulang sa ipinasang requirements.

Kabilang sa requirement ang makapasa sa naturang eksaminasyon para maging bahagi ng editorial board ng opisyal na pahayagan ng nabanggit na paaralan.

Ayon sa apela nina Ang at Cornelio, may intensiyon pa umano silang magtapos ng undergraduate degree sa naturang unibersidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?