men-in-jail-arrested-shabu

2 ginang dinakma sa shabu

Sharing is caring!

Arestado ang dalawang babae matapos mahulihan ng iligal na droga sa Tondo, Maynila noong Sabado ng gabi.

Nabatid na habang papauwi na si Police Officer 1 Richard Villestas mula sa kanya duty sa Manila Police District Station 2 nang mapansin niya ang suspek na sina Susan Tamayo at Salve Aquino na kakaiba ang ikinikilos.

Aniya, parang may binubusising plastik ang dalawa at nang lapitan niya siyasatin ito, nakita niya ang hawak-hawak nilang shabu.

Nabawi sa dalawa ang isang sachet ng shabu na may street value na P200.00.

Ang naturang ebidensiya ay dinala na sa MPD-Crime-Laboratory Office para sa eksaminasyon.

Kasalukuyang namang nakaditine ang dalawa sa Police Station 7 habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?