32

Dec 11, 2019 @ 20:15
By

2 ginang arestado sa P36K droga

Huli sa pagbebenta umano ng droga ang dalawang ginang sa isang drug operation sa Pasay City kagabi, Disyembre

Kinilala ni P/Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, ang mga suspek na sina Diana Williams, alyas “Negra”, 42, at residente sa Barangay 8 Zone 2, Pasay City at Helena Simafranca, alyas “Pukay”, 35, Barangay 14 Zone 1, kapwa walang trabaho at nasa drug watch list ng pulisya.

Sa ulat ni Yang, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Cpt. Deni Mari Pedrozo laban kay Williams sa bahay sa Barangay 14 Zone 1, sa nasabing lungsod dakong alas-11:00 ng gabi.

Magkasabwat umano ang dalawang ginang nang bentahan ng droga ang nagpanggap na poser buyer sa lugar na sanhi ng kanilang agarang pagkakaaresto.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 5.3 gramo at nagkakahalaga ng P36,040, P500 buy-bust money at isang pink wallet coin purse.

Ang mga narekober na ebidensiya ay dinala sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Samantala, nakatakdang sumailalim ang dalawang ginang sa inquest proceedings sa Pasay Prosecutor’s Office para sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?