32

Oct 8, 2017 @ 14:12

2 garbage collector dinakma sa shabu

Tiyak na hindi makakalimutan aral sa buhay ng dalawang kolektor ng basura sa Muntinlupa City ang pagtambay ng walang damit pang-itaas.

Nabatid na nagpapatrulya sina PO1 Joseph Ilegado at PO1 Isidro Caliguiran sa Sitio Rizal sa Sitio Rizal, Barangay Alabang nang mapansin nila ang kahina-hinalang kilos ng dalawang nakatambay.

May basehan naman ang dalawang pulis na sitahin ang dalawang lalaki dahil kapwa walang suot na t-shirt ang mga ito na malinaw na paglabag sa isang ordinansa ng lungsod.

Nang lapitan ay kapkapan sina Michael Callada, 31 at Joshua Abarro, 20, ay nakuha sa kanilang pag iingat ang drug paraphernalia.

Hinihinala na katatapos lang bumatak ng shabu ang dalawa nang sila ay mahuli.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng dalawang tagahakot ng basura. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?