9

By

2 gang nagrambulan, 2 sugatan

Sharing is caring!

Sugatan ang dalawang lalaki nang mabaril ang mga ito sa umano’y “gang war” ng dalawang grupong kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Sanhi ng tama ng ilang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa katawan at patuloy pa rin ginagamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Michael John Padua, 30, nakatira sa no. 415 D. Reyes St., Barangay 105 at nilalapatan naman ng lunas sa San Juan De Dios Hospital si Renz Pineda, 28, taga no.529 Tengco St., Barangay 108 ng nabanggit na lungsod.

Sa isinumiteng report ni Senior Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay City Police dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan Aurora at Tolentino Sts.nang nasabing lungsod.

Nabatid na nagpang-abot sa naturang lugar ang grupo ni Padua at ang grupo naman ni Pineda, na matagal nang magkalaban na humantong sa rambolan.

Sa kasagsagan umano nang rambulan ng dalawang grupo ay umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril at dito na nakita na kapwa duguan sina Padua at Pineda.

Nang dumating ang mga awtoridad ay kanya-kanyang nagpulasan ang magkabilang grupo at naiwan ang duguang sina Padua at Pineda na mabilis na isinugod sa naturang mga pagamutan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?