58

Jul 19, 2021 @ 17:44
By

2 fixer timbog sa labas ng LTO

Dalawang fixer, isa ay may karga pang sanggol, ang nahuli sa ikinasang entrapment operation sa Land Transportation Office (LTO) sa Tabang, Guiguinto, Bulacan nitong Lunes.

Ayon sa ulat, dalawang suspek na kinilala lamang sa mga pangalang “Rey” at “Anne” ang lumapit sa dalawang undercover agent ng Anti-Red Tape Authority at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at nag-alok ng mabilisang pagkuha ng student permit kasama na ang medical exam at theoretical driving certificate — na kadalasang inaabot ng tatlong araw ang proseso.

P3,500 ang singil ni “Rey” habang P4,500 si “Anne” sa kabila na kadalasang P317 lamang ang presyo ng permit.

Nakipagkasundo ang mga undercover agent na magbayad sa mga fixer sa labas ng LTO Tabang nitong Lunes, July 19.

Matapos tanggapin ang “entrapment money” ay inaresto sina “Rey” at “Anne”, na karga pa ang 1-anyos niyang anak.

Nasa kustodiya na ng CIDG ang mga suspek habang ibinigay ang anak ni “Anne” sa kanyang ina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?