38

Nov 25, 2021 @ 17:02
By

2 fan, na-eject dahil kay LeBron

May nangyari na namang ejection sa laro ng Los Angeles Lakers ngayong Huwebes.

Sa pagkakataong ito, hindi manlalaro ang napatalsik sa court kundi dalawang fan.

Naganap ang ejection sa overtime ng laban ng Lakers sa homecourt ng Indiana Pacers.

Bigla na lamang lumapit si James sa referee para isumbong ang dalawang fan na nasa courtside – isang lalaki at isa ay babae.

Pagdating ng referee, lumapit din ang ilang security personnel kaya napalabas na ang dalawang manonood.

Ayon sa ulat ng CBS, hindi pa malinaw ang dahilan kung bakit inireklamo ni James ang dalawang fan.

Ngunit posible umanong may mga sinasabi ang dalawa kay James kaya nainis na ito.

Gayunman, ‘di napigilan ang pang-aasar ng madla kay James, dahil umiskor pa rin ito ng season-high na 39 points para dalhin ang Lakers sa 124-116 panalo kontra sa Pacers.

Ito ang unang laro ni James pagkatapos ang one-game suspension.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?