197

Sep 19, 2019 @ 15:09
By

2 ex-PBA star, bagong ‘bodyguard’ ni Guanzon

Bigatin ang mga bagong guwardiya ni Commission on Elections commissioner na si Rowena Guanzon.

Sa kanyang Twitter, nagbiro ito na bodyguard niya ang dalawang ex-Ginebra player na sina Paul ‘Mr. Excitement’ Alvarez at EJ Feihl.

“my new bodyguards . Laban ka pa?” pahayag ni Guanzon.


Marami naman ang nag-comment sa post ni Guanzon, ang iba ay pinapalutang ang pangalan ng nagbitiw na Duterte Youth nominee na si Ronald Cardema na nakaalitan ng Comelec commissioner dahil sa qualification ng huli bilang representatee ng isang youth sector.

“Hahahaha masmukhang youth p c Bong ksa k Cardema,” pakli ni @joketerte30.

“Grabe Mam. Diin na si Cardema?” sey naman ni @bong_sans.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?