5
camp-bagong-diwa
By

2 ex-BI officials, humirit na mailipat ng kulungan

Sharing is caring!

Hiniling nina dating Immigration Commissioners Al Argosino at Michael Robles sa Sandiganbayan na ilipat sila sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center mula sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Sa kanilang mosyon, ginamit na argumento nina Argosino at Robles ang pagiging fraternity brother ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtalaga sa kanila noon sa puwesto.

Marami anilang naipaaresto ang Pangulo sa war on drugs at nakakulong ang mga ito sa iba’t ibang bilangguan kasama na ang Camp Bagong Diwa kaya hindi malayong gantihan sila ng mga ito.

“Presently there are about 500 detainees in Quezon City Jail Annex in Camp Bagong Diwa and about 300 of them are 300 tokhang detainees. The volume of detained persons as well as the number of visitors visiting them is so huge that jail wardens could not control and could not possible secure the safety of both accused. Conversely, the presence of both accused together with other tokhang detainees also poses serious danger to other detainees,” saad sa mosyon.

Bukod dito, si Argosino ay dalawampung taon umanong nag-practice ng pagiging abogado habang sampung taon namang naging prosecutor si Robles bago sila napunta sa Bureau of Immigration.

Banta rin anila sa kanilang kaligtasan ang mga naapektuhan o nasagasaan sa pag-practice ng kanilang propesyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?