25

Jul 10, 2021 @ 14:44

2 evacuation center itatayo para sa mga Taal evacuee

Dalawang evacuation center ang itatayo sa Batangas para sa mga Taal evacuee, ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) nitong Sabado.

Kahapon isinagawa ang groundbreaking para sa dalawang evacuation center na itatayo sa Barangay Calayaan at Barangay San Juan.

Ani DHSUD Secretary Eduardo del Rosario, mahalagang proyekto ito lalo na sa para sa Batangas dahil isa ang Taal sa pinakaaktibong bulkan sa mundo.

“Kaya itong evacuation center ay kailangang maitayo. I hope this building will provide shelter to evacuees for at least 50 years. So kailangan ang standard mapanatili natin,” saad ni Del Rosario.

Sa ngayon ay nananatili sa Alert Level 3 ang Taal Volcano habang patuloy itong naglalabas ng sulfur dioxide at usok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?