203

Jul 4, 2019 @ 12:31
By

2 European 7-footer magtatambal sa Mavericks

Matapos pumirma ng five-year max contract si Latvian forward Kristaps Porzingis, may isa pang nakuhang 7-footer ang Dallas Mavericks.

Nasungkit ng koponan ni Mark Cuban si Boban Marjanovic, ang 7-foot-3 center mula Serbia.

Ang Dallas ang ikalimang koponan na paglalaruan ni Marjanovic sa limang season niya rin sa NBA, nag-average ng 6.2 points at 3.9 rebounds sa kanyang karera sa liga.

Magiging back-up si Marjanovic sa starting center ng Mavs na si Dwight Powell, na pumirma ng three-year deal sa Dallas. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?