164
2 estudyanteng tulak ng marijuana, nasakote sa Cainta
By

2 estudyanteng tulak ng marijuana, nasakote sa Cainta

Nasakote ang dalawang estudyanteng tulak ng marijuana matapos malaglag sa ikinasang buy-bust operation ng Cainta Municipal Police at makuhanan ng 31 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng dried leaves and stalks ng marijuana, Linggo (Abril 21) ng madaling araw sa Barangay Sto. Domingo, Cainta Rizal.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Rizal Provincial Director PCol. Lou Frias Evangelista, nakilala ang mga suspek na sina Enrico Toleran y Velarde, 20-anyos, student, residente ng 80 Dream Flower St, Doña Andrea, Barangay Rosario, Cainta Rizal at Mark Anthony Marasigan y Marasigan, 19-anyos, student, ng 510 Saint Joseph Kamagong St, Barangay Sto Domingo, Cainta Rizal.

Ayon sa report, nakatanggap ng tip ang Cainta Municipal Police Station bandang 11:00 Sabado ng gabi kaugnay sa bentahan ng marijuana sa Barangay Sto. Domingo, Cainta Rizal na kinasasangkutan ng dalawang binatilyong estudyante.

Agad na isinagawa ang buy bust operations bandang 1:00 Linggo ng madaling araw sa Saint Joseph Drive, Barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal matapos umaktong buyer ang isang police officer at nakipagtransaksyon sa suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang P500 na ginamit bilang buy bust money, 31 pieces of zip locked plastic sachets containing dried leaves and stalks of suspected of marijuana, isang improvised tube pipe containing suspected residue of marijuana at Php.660.00 suspected drug money.

Kasalukuyang nakakulong sa Cainta Municipal Police Station ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?