92

Nov 21, 2019 @ 15:13
By

2 estudyanteng Korean naholdap ng P100K

Nanlulumo pa nang magtungo sa himpilan ng pulisya ang dalawang estudyanteng Korean national nang holdapin at matangayan ng P100,000 nitong Huwebes ng madaling-araw sa Pasay City.

Batay sa report ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, ala-1:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa flyover sa Buendia Roxas Blvd. ng nasabing lungsod.

Kinilala ang mga biktimang sina Jo Kyeung Won, 23, at Kang Min Kil, 23, kapwa naninirahan sa Balagtas Villa ng nabanggit na lungsod.

Galing umano sa isang casino hotel at sakay ng Grab na minamaneho ni Renato Adviento ang mga biktima at tinatahak ang Roxas Blvd. pero pagsapit sa bahagi ng Buendia flyover, isang Toyota Vios na walang plakang ang humarang sa kanila kung saan sakay ang tatlong holdaper.

Bumaba umano ang dalawa sa holdaper at pilit na binubuksan ang bintana ng sinasakyan na Grab car ng mga biktima.

Dahil sa takot hindi binuksan ng Grab driver ang bintana ng kanyang sasakyan at dito na pinalo ng mga suspek ng maso ang sasakyan.

Matapos mabasag ang kanang bintana ng sinasakyan ng mga biktima, dito na bumaba ang driver ng kotse ng mga holdaper at nagpaputok ng baril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?