19
2 arestado sa pananapak ng traffic enforcer
Mar 9, 2021 @ 15:08

2 estudyante timbog sa P13.6M shabu

Umabot sa P13.6 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation sa Tunasan, Muntinlupa.

Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon noong Lunes ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region at Muntinlupa City Police sa isang fast-food chain sa Muntinlupa Highway.

Nadakma sa buy-bust ang lima katao na kinabibilangan ng dalawang college student na kinilalang sina Donnalyn Julhasan, 21, at Denver Porlahe, 19; habang ang iba pang nasakote ay sina Liezel Julhasan, 40; Rovelyn Enot, 40; at Sharifa Kuly, 28.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?