9

By

2 estudyante ninakawan ang sariling paaralan sa Mandaluyong

Sharing is caring!

Nagkaisa ang mga babaeng guro ng Ilaya Barangka Integrated School na arestuhin ang kanilang estudyante matapos mahuli ng isang guro ang ginagawang pagnanakaw ng isa nilang estudyante habang abala ang lahat sa kanilang school event, kamakalawa.

Batay sa report, naganap ang pagnanakaw bandang alas 8:00 Sabado ng umaga sa loob ng Ilaya Barangka Integrated School na matatagpuan sa Lion’s Road, Barangay Barangka Ilaya, na kung saan ay positibong nakilala ang suspek na si Jericho Lagunzad y Barbo, 19-anyos, Grade 10 at residente ng 81 Makaturing St. Barangay Barangka Drive at isang hindi na pinangalanang 17-anyos na itinatago sa pangalang “Edwin” na kasabwat nito, Grade 10 at residente ng 12 Basilan St. Barangay Malamig, Mandaluyong City.

Nakilala ang mga complainant na guro na sina Teacher Mildred Concepcion y Sagun, 31-anyos, resident ng Coronado St. Barangay Hulo at Merlyn Inguito y Lebosada, 53-anyos, ng Damayan Road, Barangay San Juan, Taytay Rizal.

Ayon sa salaysay ng mga complainant na guro, abala sila sa loob ng gym ng Ilaya Barangka Integrated School para sa Mandaluyong Mathematics Circle nang lumapit si Teacher Heidi Bautista y Roldan, 37-anyos ng Isarog St. Southside, Makati City at sinabing nakita niya na may estudyante sa loob ng kanilang classroom kaya agad na sumugod sa classroom ang dalawa at doon na nadiskubreng nawawala ang kanilang mga laptop na isang unit ng Lenovo color blue laptop na nagkakahagala ng PhP12,495 at isang unit ng NECO color black na may presyong PHP 6,000.

Agad na ipinaalam ng dalawang guro ang nawawalang mga gamit kaya nag-imbestiga sila at doon na nalaman na nakita nila ang suspek na si Lagunzad na muling nakita sa paligid ng paaralan at hinuli ni Teacher Czarinah Santiago y Reyes, 32-anyos, residente ng Pasigline, Sta. Ana, Manila.

Dinala ng mga guro si Lagunzad sa bantay bayan ng Barangay Barangka Ilaya para samahan sila na magtungo sa Police Community Precinct PCP-3 para ireklamo ang suspek at pakantahin kung sino ang nag-utos sa kanila na magnakaw.

Doon na kumanta si Lagunzad at sinabing kasama niya si Edwin na kumuha ng mga laptop ng kanilang guro.

Agad na nagsagawa ng follow up investigaton ang mga pulis kasama ang bantay bayan ng Barangay Barangka Ilaya at naaresto si Edwin.

Naibalik naman sa mga guro ang dalawang nawawalang laptop habang handa silang sampahan ng kaso ang dalawang mag-aaral.

Kasalukuyang nakakulong ang si Lagunzad sa Mandaluyong detention cell habang si Edwin naman ay nakataakdang dalhin sa DSWD

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?