114
crime-scene
By

2 estudyante ng La Salle, patay sa aksidente sa tollway

Sharing is caring!

Dalawa katao ang nasawi matapos bumaligtad ang isang school service vehicle sa STAR Tollway malapit sa Lipa City, Batangas nitong Lunes ng umaga.

Sa update ng kapulisan, ang dalawa sa mga nasawi ay senior high school student ng De La Salle Lipa.

Kinilala ang isa sa kanila na si Maxene Guinavere habang hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng isa pa.

Samantala, nasawi rin sa aksidente ang driver ng service van ng mga estudyante na si Danilo Manalo.

Patungo umano ang mga biktima sa Batangas City dakong alas-6:30 ng umaga nang sumabog ang harapang gulong ng sinasakyan nila kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na nagresulta ng aksidente.

Karamihan naman sa 16 na nasugatan sa aksidente ay mga estudyante dahil ginagamit aniya ang nasabing van bilang school service.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }