44
toronto-airport

2 eroplano nagbanggaan sa Toronto airport

Sharing is caring!

Nagbanggaan ang dalawang eroplano sa Toronto Pearson International Airport nitong Biyernes.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Ayon sa ulat, galing ng Cancun, Mexico ang WestJet na may sakay na 168 pasahero at anim na crew na nakahimpil sa paliparan nang banggain ng Sunwing aircraft na pabalik naman ng gate.

Nasunog ang WestJet kung saan nailigtas naman ang mga sakay nito nang magresponde ang mga pamatay-sunog.

Dahil sa posisyon ng eroplano sa paliparan ay inalis ang mga pasahero sa pamamagitan ng emergency slide.

Wala namang sakay ang Sunwing nang bumangga sa WestJet.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Transportation Safety Board ng Canada ang pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?