32

Feb 24, 2020 @ 19:12
By

2 eroplano na susundo sa mga Pinoy sa Japan, handa na

Handang-handa na ang dalawang chartered flight na susundo sa mga Pinoy na naka-quarantine sa Yokohama, Japan na sakay ng Diamond Princess cruise ship pabalik ng Pilipinas.

Sa isang press conference na ginanap sa administration building, kinumpirma ito ni Executive Director Carmelo Arcilla ng Civil Aeronautic Board.

Sinabi nito, nakahanda na ang dalawang eroplano ng Philippine Airlines para sa kakailanganing dalawang flight ng mga naturang Pinoy repatriate.

Nabatid na hindi natuloy nitong araw ng Linggo ang pagpapauwi sa mga ito dahil sa meron pang pina-finalize na preparatory arrangement sa panig ng Japanese government.

Kabilang sa eroplanong sasakyan ng nasa 497 na uuwing Pinoy ay ang Airbus A321 ng Philippine Airlines na kukunin mula Haneda at ihahatid hanggang Clark International Airport bago sila dadalhin sa New Clark City para sa dalawang linggong quarantine.

Umaasa naman ang Department of Transportation na matutuloy na ngayong araw ang repatriation sa mga nasabing sakay ng naturang barko.

Ayon pa kay Arcilla, maliban sa mga Pinoy na lulan ng cruise ship ay halos nakauwi na rin sa kani- kanilang mga bansa ang iba pang dayuhang sakay ng Diamond Princess.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?