55

Oct 7, 2019 @ 19:11
By

2 empleyado sa ‘chemical poisoning’ ligtas na

Ligtas na sa kritikal na kondisyon at nasa maayos nang lagay ang dalawang empleyado ng oil factory sa Caloocan habang ang siyam na iba pa ay pinayagan nang makauwi matapos mahimatay habang nililinis ang grease trap sa factory ng pagawaan ng cooking oil.

Napaulat na isinugod sa East Avenue Medical Center ang waste and water treatment plant operators na sina Limuel Ibe, 31, at Bobby Benitez, 24, matapos na magsuka at mahilo nang makalanghap ng nakalalasong amoy sa pinagtatrabahuhang pabrika ng mantika sa Caloocan City nitong Linggo, Oktubre 6 ng umaga.

Nabatid na dakong alas-9:00 nitong Linggo ng umaga, nililinis ng mga biktima ang grease trap ng Trans Asia Phils. Manufacturing Industries Corporation sa Gen. Luis St. Brgy. 166 Caloocan nang mawalan ang mga ito ng malay dahil sa nalanghap na mabahong amoy mula sa dumi.

Mabilis na isinugod ang mga biktima sa EAMC, kasama ang siyam pang empleyado na nahilo at nahirapang huminga nang makalanghap din ng mabahong amoy.

Itinanggi naman ng Management ng Trans Asia ang naunang pahayag ng Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Office na ang dalawang empleyado ay nanghina matapos makaamoy ng hydrogen sulfate habang naglilinis ng grease trap.

Sinabi ni plant manager Rodel Gomez na walang chemical o gas leak at nilinaw nito na si Benitez at Ibe ay nawalan ng malay dahil lamang sa mabahong amoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?