22

Jun 13, 2020 @ 16:27
By

2 empleyado ng radio station nagpositibo sa COVID-19

Na-diagnose na positive sa coronavirus disease ang driver at technician ng isang radio broadcast company sa Dagupan City.

Ayon sa Department of Health (DOH), walang sintomas ng sakit ang dalawa at kasalukuyang naka-admit sa Region I Medical Center.

Kabilang sila sa mga empleyado ng kumpanya na sinailalim sa test noong June 8 ng provincial health office personnel.

Sa mga laboratory result mula sa Baguio General Hospital and Medical Center, lumabas na kinapitan sila ng virus.

Simula Marso ay nasa 23 COVID-19 case pa lang ang naitala sa Dagupan City kabilang ang 80-anyos na diabetic patient, na pumanaw noong Abril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?