4

By

2 elementary student nag-uwi ng bronze sa ASEAN Cyberkids Camp

Sharing is caring!

Dalawang mag-aaral ng elementarya mula sa North Cabadbaran Central Elementary School sa Agusan del Norte ang nakapag-uwi ng bronze award sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Cyberkids Camp (ACC) na ginawa sa Rizqun International Hotel sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam.

Ipinaabot ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones, ang kanyang pagbati sa dalawang mag-aaral na sina Jassef Yzaiah Tambis, Grade 3 student at Rainbow Concha, Grade 4 student, kabilang na ang kanilang coach na si Teacher Prelyn Sandimas para sa parangal na dinala sa bansa sa larangan ng information and communication technology (ICT).

Ang ACC ay inorganisa ng Authority for Info-Communications Technology Industry of Brunei Darussalam (AITI) na naglalayong mapalawig ang kaalaman ng mga mag-aaral sa critical thinking, problem solving, team work at information and communication technology.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?