155
Mga poste ng kuryente sa Pampanga bumagsak
By

2 electrical engineer nakuryente sa Pangasinan

Todas ang dalawang inhinyero na nagtratrabaho sa isang private cable corporation matapos silang makuryente habang nagsasagawa ng wiring sa poste sa Barangay Ambabaay, Bani, Pangasinan noong Lunes.

Kinilala ni Bani Police Station (BPS) deputy commander P/Capt. Apollo Calimlim ang mga biktima na sina Maico Maquilang, tubong Surigao del Norte at Wibert Andres, tubong Quirino.

Sa imbestigasyon, ayon kay Calimlim, ang dalawang biktima ay parehong lisensyadong electrical engineer na nagtratrabaho sa isang private cable corporation na na-assign sa nasabing bayan.

Sinabi ni Calimlim, sina Maquilang at Andres ay magkasamang gumagawa ng cable wiring sa isang poste at aksidenteng natabig ang isa sa kanila ang live wire ng Pangasinan Electrict Company (PANELCO).

Ayon sa isang saksi na si Lovie Mangaoang, nakarinig siya ang pagsabog at biglang nag-brownout.

“Bigla pong nag brownout, then nakita ko po nalaglag ang isa, habang iyong isa nakabitin po,” ani Manaoag.

Samantala, ayon kay PANELCO 1 general manager Dionisio Opolento, naiwasan sana ang insidente kung nakipag-ugnayan muna ang pribadong kompanya ng cable wire bago nagsagawa ng kanilang trabaho.

“We have to sign a joint agreement with the company. Nakapaloob doon sa joint agreement kung ano ‘yong responsibility sa bawat isa,” ani Opolento.

Ang mga labi ng dalawang inhinyero ay inuwi na sa kanilang bayan at ayon sa BPS, nangako naman ang pribadong kumpanya na sasagutin nila ang pagpapalibing sa mga empleyado nito, at magbibigay ng tulong-pinansiyal sa mga kaanak ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?