549
trillanes3
By

2 ebidensya ni Trillanes, ‘di tinanggap ng korte: Hatol ng Makati RTC, malapit na

Sharing is caring!

Dalawa lang sa higit 20 exhibits o ebidensyang isinumite ni Senador Antonio Trillanes IV sa sala ni Judge Andres Soriano ng Makati RTC 148 ang hinarangan ng korte.

Kasunod na rin ito ng oposisyon ng Department of Justice (DOJ) na huwag tanggapin ang mga ebidensya ni Trillanes dahil hindi ito authenticated.

Kabilang sa hindi tinanggap ng korte bilang ebidensya ang printout ng official facebook page ng Department of National Defense at ang printouts ng throwback litrato ni Senador Trillanes noong siya ay nag-aplay ng amnestiya.

Tinanggap naman ng korte ang karamihan ng mga ebidensya ni Trillanes kabilang ang nanggaling sa Defense ad hoc committee for the amnesty at iba pang sertipikasyon para sa aplikasyon ni Trillanes, pero nananatili ang oposisyon ng prosekusyon sa iba pang tinanggap na ebidensya.

Nilinaw din ni Judge Soriano na ang pagtanggap sa mga ebidensya ay walang pagkiling sa probative value sa reresulbahing mosyon ng DOJ.

Dahil sa pasyang ito ni Judge Soriano, anumang oras o araw mula ngayon ay aasahan na ang resolusyon kung pagbibigyan niya o hindi ang urgent motion ng DOJ na maglabas ng warrant of arrest para kay Trillanes sa kasong kudeta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?