2 drug suspects todas, 23 arestado sa anti-drug ops sa Lucena

Sharing is caring!

Kabuuang 23 katao ang nadakip habang dalawa ang namatay sa sabay-sabay na operasyon laban sa iligal na droga sa tatlong komunidad sa Barangay Cotta, sa siyudad ng Lucena.

Ayon sa hepe ng Lucena City na si Supt. Vicente Cabatingan, nagsagawa ng operasyon ang tauhan ng Lucena City Drug Enforcement Unit at Quezon provincial office sa Masagana, Matahimik Isla, at Buklod Pagkakaisa dakong alas-kuwatro ng hapon noong Lunes.

Kinilala ang mga namatay na suspek na sina Jonathan Mercurio Romano ng Purok Matahimik Isla; at Ruel Kuan taga-Purok Matahimik Isla.

Nakumpiska sa operasyon ang 35 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P115,000; 8 selyadong pakete ng marijuana na P4,000 ang halaga; drug paraphernalia; at mga armas at bala. (PNA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?