116

Mar 19, 2019 @ 12:58
By

2 drug pusher timbog sa buy-bust sa Marikina

Arestado ang dalawang kilalang tulak ng shabu matapos ma-trap sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay Tumana, Marikina City, Martes ng madaling-araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Rocky Tala Tala, 44, construction worker; at Rochell Santos, 37, kapwa residente ng Road 2, Iwahig Doña Petra St., Tumana, Marikina City.

Ayon kay SDEU Chief P/Insp. Greco Gonzales, isinagawa ang buy-bust ala-una ng madaling-araw ng Marso 19 sa kahabaan ng Road 2 Iwahig Doña Petra St., Barangay Tumana matapos makatanggap ng tip kaugnay sa pagtututlak ng droga ng suspek.

Isang pulis ang umaktong buyer at nakipagtransaksyon sa suspek para bumili ng shabu.

Agad na dinampot ang mga suspek at nakumpiska ang apat na sachet na naglalaman ng shabu at P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?