44

Sep 29, 2017 @ 11:28

2 drug pusher sa Sulu, nanlaban, patay sa buy-bust

Patay ang dalawang drug personalities matapos ang ikinasang drug operation ng militar at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) sa Luuk Sulu kamakalawa.

Kinilala ang dalawang nasawing drug persponalities na sina Alsidi Anji at Benjie Dumdaydi na nasawi matapos umanong manlaban sa mga awtoridad habang isinisilbi ang warrant of arrest.

Ayon kay Capt Jo-an Petinglay, tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command ala-1:50 ng umaga kamakalawa ng isagawa nila ang operasyon sa Barangay Lambago, Luuk, Sulu.

Nakuha sa mga nanlaban umanong suspek ang isang Garand rifle, 14 rounds ng caliber .30 ball, shabu, at drug paraphernalia. Itinurn-over naman ang militar kay Arafi Hajiron, ang barangay kagawad ng Tubig Putih, Luuk, Sulu, ang bangkay ng dalawang suspek para maihatid sa kanilang pamilya sa Barangay Bulangsih, Panamao, Sulu

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng militar laban sa noturyos drug pusher sa lugar na si alays Jinar.

Tiniyak naman AFP Western Mindanao Command Commander Gen Carlito Galvez Jr. na hindi titigil ang militar sa pagsuporta sa anumang law eforcement agencies para sa mga anti illegal drugs operation

“The military will continue to assist law enforcement agencies in curbing illegal drug operations in the province. This is another accomplishment attributable to the combined efforts of our troops and the PDEA,” sinabi ni Galvez.(Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?