12
crime-scene-dead-body
By

2 drug pusher patay sa Laguna buy-bust ops

Sharing is caring!

Tumimbuwang ang dalawang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Biñan City, Laguna kaninang madaling-araw.

Ayon kay Philippine National Police-CALABARZON Spokesperson Supt. Chitadel Gaoiran, alas-4:30 ng madaling-araw isinagawa ng mga tauhan ng Biñan City Police Office ang operasyon sa Sitio Lawa, Brgy. Canlalay, Biñan City.

Sa ulat, pagkatapos na maibenta ng mga suspek sa police poseur buyer ang kanilang droga ay nanghinala sila na mga pulis ang kanilang katransaksyon kaya nagtatakbo ang mga suspek patungo sa kanilang bahay.

Sa kabila ng sigaw ng mga pulis na huminto sila ay pinagbabaril pa nila ang mga pulis kaya gumanti ng putok ang mga awtoriada na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.

Narekober mula sa mga suspek ang isang kalibre .38, 1 9mm pistol, iba’t ibang empty shells at live ammo, at ilang sachets ng iligal na droga at drug paraphernalia.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang SOCO mula sa Regional Crime Lab Office ng Region 4A hinggil sa insidente. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?