0
views

By

2 drug pusher bumulagta sa Novaliches

Sharing is caring!

Dalawang tulak ng iligal na droga ang duguang humandusay matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng Novaliches Police sa isinagawang buy-bust operation kaninang madaling-araw.

Kinilala ng Quezon City Police District ang mga napatay na si Angelito Polimlim, alyas Kosa, 45, at isang alyas Jun “Sputnik”, na sinasabing mga residente ng Caloocan City at dumayo lamang sa Novaliches upang magbenta ng shabu.

Base sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang ikasa ang buy-bust sa bahay sa Ignacio St., Brgy. Gulod.

Sa gitna ng transaksiyon ay natunugan ng mga suspek na pulis ang kanilang buyer kaya agad na bumunot ng baril at pinaputukan ito subalit nagmintis.

Dahil dito ay gumanti ng putok ang mga nakakubling pulis hanggang sa tumakbo sa makitid na pasilyo sa Brgy. Gulod ang mga suspek at nagkaroon ng habulan.

Nang makorner ang dalawang suspek ay muling pinaputukan ang mga humahabol na pulis kaya pinagbabaril na rin ang mga nasabing tulak hanggang sa duguang bumulagta.

Nasamsam sa tabi ng bangkay ng mga suspek ang kalibre .38, isang .22 revolver, 12 plastic sachet ng shabu, P500 buy-bust money at mga drug paraphernalia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?