24

Jul 31, 2021 @ 14:30
By

2 drug den sinalakay, 11 tiklo

Dalawang drug den ang sinalakay ng mga kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency – Region 3 (PDEA-R3) sa Barangay Santa Lucia, San Fernando, Pampanga nitong Biyernes kung saan 11 katao ang inaresto.

Ang unang drug den ay natagpuan sa Purok 2 at sinalakay dakong alas-2:00 p.m. ng gabi. Dito ay nadakip ang anim katao at nakumpiska ang 10 gramo ng shabu.

Kinilala ang mga suspek na sina Arnel Concepcion, 60-anyos, Donjuan Manalastas, 45-anyos, William Nabong, 28-anyos, Edilberto Concepcion, 51-anyos, Jeffrey Quiambao, 43-anyos at Adonis Cortez, 48-anyos.

Samantala, ang isa pang drug den ay sinalakay dakong-1:40 a.m. ng madaling araw nitong Sabado sa Purok 6 kung saan 15 gramo ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad.

Ang mga naaresto ay sina Roberto Ignacio, 26-anyos, Alberto Ignacio Jr., 29-anyos, Bernardo Ignacio, 27-anyos, Roland Ramos, 43-anyos at Ma. Theresa Mendoza, 40-anyos.

Sa taya ng PDEA, may kabuuang halaga ang mga nakalap na shabu ng P170,000. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?