10
ABANTE-TNT lola shabu drugs arestado jailed
By

2 drug dealer huli sa Marikina

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng dalawang tulak ng iligal na droga matapos malambat sa ikinasang drug buy-bust operations kagabi sa Barangay Parang, Marikina City.

Kinilkala ni Station Drug Enforcement Unit Chief, P/Inps. Greco Gonzales ang dalawang suspek na sina Vincent Dela Cruz, alyas Enteng, 38, at Edsel Fulgencio, 25, kapwa residente ng Marikina City.

Nasakote ang dalawang dealer bandang alas-9:30 ng gabi sa isang organisadong operasyon sa No. 19 Rosas St., Gem Subdivision, Barangay Parang kung saan nakipagtransaksyon ang isang police poseur buyer sa mga suspek.

Matapos matagumpay na makabili ng pakete ng shabu sa mga suspek ay agad na nagbigay ng hudyat ang pulis sa kanyang mga kasamahang nakapuwesto malapit sa lugar at doon ay inaresto ang dalawa.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu at P500 na buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?