14
guilty-justice

2 DPWH officials sa Negros Occidental, ‘guilty’ sa misconduct

Sharing is caring!

Napatunayang guilty sa grave abuse of misconduct ang dalawang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 3rd Negros Occidental Engineering District.

Kaugnay ito ng anomalya sa pagkakadiskubre sa rehabilitasyon ng dalawang tulay sa Cauayan, Negros Occidental.

Kinilala ng Ombudsman ang mga opisyal na sina Officer-in-Charge (OIC) District Engineer Haydee Alunan at OIC-Assistant District Engineer Elsie Sabay.

Ang dalawang tulay ay ang Mabua bridge sa Barangay Poblacion at Bagambayan bridge sa Barangay Tiling, kapwa nasa bayan ng Cauayan.

Batay sa ginawang imbestigasyon ng Ombudsman, dapat natapos na ang mga tulay noong Hunyo 29, 2014 na nagsimula noong Pebrero 10, 2014.

Pero sa ginawang ocular inspection noong Disyembre 3, 2015, nadiskubre na hindi pa rin tapos ang naturang mga tulay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?