23

Feb 26, 2021 @ 15:51
By

2 doktora kauna-unahang babaeng heneral ng PCG

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang promosyon ng dalawang babaeng opisyal upang maging kauna-unahang general ng Philippine Coast Guard (PCG).

Kabilang sina Commodores Luz Escarilla at Fran Eden sa walong opisyal ng PCG na na-promote noong Pebrero 26 sa ranggong Commodore o katumbas ng Brigadier General sa military.

Itinalaga si Escarilla sa Coast Guard Civil Relations Service habang sa Coast Guard Medical Service si Eden.

Kapwa doktor sina Escarilla at Eden, ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo at simula aniya nang pumutok ang coronavirus disease pandemic ay naging mga frontliner na sila ng ahensya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?