12

By

2 disaster responder patay sa Cordillera

Sharing is caring!

Dalawang katao ang namatay, kapwa responder, dahil sa hagupit ng bagyong Ompong nitong Sabado, Setyembre 15 sa Cordillera region.

Ang report ay ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hindi naman binanggit ang pagkakalilanlan ng dalawa.

Sinabi na sa bandang Cordillera sa Baguio, limang landslide na ang nataya ng NDRRMC simula ng Sabado ng umaga.

Ilang puno na rin at linya/poste ng kuryente ang bumagsak dahil sa super typhoon.

Handa naman ang Departmnent of Public Works and Highways Secretary Mark Villar sa clearing operations para malinis ang rehiyon ng Cordillera.

“Mayroon na kaming prepositioned na heavy equipment,” saad ni Villar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?