8
shabu20
By

2 dinakma sa shabu sa Sta. Mesa

Sharing is caring!

Arestado ang dalawang katao sa buy-bust operation sa Old Sta. Mesa, Manila.

Ikinasa ang operasyon laban sa mga suspek na sina Angelica Corpus, 24; at Omar Molina, 20, ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team ng Raxabago Police Station 8 madaling-araw ng Miyerkoles, Mayo 8, 2018 sa loob ng Prince Court Hotel.

Si Police Chief Inspector Manny Israel ang nanguna sa operasyon kung saan positibong nakabili ng shabu ang isa sa kanilang miyembro na nagsilbing poseur-buyer sa mga suspek.

Nakuha sa dalawa ang apat na pirasong plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Isinalin na ang mga nabawing droga sa pag-iingat ng MPD-Crime Laboratory Office para sa kaukulang eksaminasyon.

Iprinisinta na rin sa piskalya ang mga nasakoteng suspek na kapwa nahararap sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Republic Act 9165. (\

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?