8

By

2-dikit na kamalasan tinuldukan ni Miciano

Sharing is caring!

IPINAGPAG ni International Master John Marvin Miciano si Woman FIDE Master Sonja Maria Bluhm ng Germany upang pumasok muli sa top 10 matapos ang eighth at penultimate round ng 22nd Hogeschool Zeeland chess tournament sa Vlissingen, Netherlands, Biyernes ng gabi.

Dahil sa panalo, natuldukan ni 17-year-old Miciano ang two-game losing skid, nakalikom ang Pinoy woodpusher ng anim na puntos, isang puntos na hinahabol sa solo leader GM Sandro Mareco ng Argentina.

Pakay ni Miciano na manatili sa magic 10 pagharap niya kay second seed GM Jorden Van Foreest ng host country sa ninth at final round.

Nakalaban na ni Van Foreest ang dalawang Pinoy na kasali ito’y sina WGM Janelle Mae Frayna at GM Jayson Gonzales.

Natalo ang Dutch chesser kay Gonzales sa seventh round habang tinalo niya si Frayna sa eighth.

Nais ni Miciano na manalo para sa Pilipinas.

Si Frayna na natalo kay Van Foreest matapos ang 38 moves ng French Defense ay nalaglag sa 22nd place kasama ang 5.5 points pero may tsansa pang makasampa sa top 15 kung matatalo niya si IM Casper Schoppen ng Netherlands.

Yumuko si 49-year-old Gonzales kay Chinese GM Zeng Chongsheng sa 47 moves ng Pirc Defense, nakisiksik siya sa ninth hawak ang six points.

Huling kalaban ni Gonzales si Indian IM P Shyaamnikhil. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?