168

Dec 17, 2019 @ 13:53
By

2 dedo, higit 10 sugatan sa karambola sa Cavite

Dalawa ang namatay at nasa 13 ang sugatan matapos kaladkarin ng isang trak ang tatlong sasakyan sa Mendez, Cavite ngayong Martes ng umaga.

Ngayong Martes, Disyembre 17, 2019, nawalan ng preno ang trak na may kargang buhangin habang binabaybay ang municipal road ng Mendez, ayon sa Cavite Provincial Police sa ulat ng ABS-CBN News.

Nabangga nito ang isang pampasaherong jeep at dalawang tricycle malapit sa simbahan ng Poblacion.

2 pahinante ng trak ang sumama sa pulisya para sa imbestigasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?