20

Jul 17, 2021 @ 21:39
By

2 dedo, 17 ligtas sa paglubog ng bangka sa Sulu Sea

Dalawa ang patay habang na-rescue ang 17 nang lumubog ang kanilang sasakyang pandagat sa Sulu Sea noong Huwebes.

Ayon sa ulat ng Naval Force Western Mindanao nitong Sabado, natagpuan ang mga biktima sa iba’t-ibang panig ng dagat sa kanilang rescue operations na isinagawa noong Huwebes at Biyernes.

Naunang ma-rescue sina Amasher Abirin, 38, Wahid Isa, 40, at Alkramier Unding, dakong-8:30 p.m. noong Huwebes.

Kinabukasan naman, dakong-5:30 a.m. ng madaling araw ay namataan ang 12 sa mga nawawala sa may baybayin ng Sitio Undanan, Barangay Kan Bulak sa Luuk.

Dakong-8:30 a.m. ng umaga naman ng makita ang apat pa, kung saan dalawa sa mga ito ang binawian na ng buhay.

Kinilala ang mga nasawi na sina Suhula Radjuli, 70, at Sitti Kalahasan Radjuli, 33.

Ayon sa awtoridad, sakay sila ng bangkang ‘Friendly’ at papunta sana sa Jolo mula sa Basilan nang lumubog dahil sa malalakas na hangin at alon na dulot ng masamang panahon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,