13

By

2 dayuhan timbog sa pekeng travel documents

Sharing is caring!

Arestado ang dalawang dayuhan na nahuling gumagamit ng pekeng mga travel document.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) officer in charge Deputy Commissioner Marc Red Mariñas, ang mga pasahero na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay sina Frederick Buchester, 53, isang Liberian; at Ravinder Kumar, 30, na isang Indian national.

Naaresto ang dalawa sa dalawang magkahiwalay na okasyon noong nakalipas na linggo.

Papaalis na umano ng Pilipinas ang mga dayuhan nang matuklasan ng mga immigration officer na peke ang kanilang travel document.

Si Buchester ay nagprisinta umano ng pekeng Liberian passport habang si Kumar naman ay may bitbit na pekeng Canadian visa.

Dinala na ang dalawa sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at mahaharap sa deportation proceedings. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?