35

Oct 21, 2021 @ 17:34
By

2 dayuhan huli sa pagpuslit ng shabu sa kulungan

Timbog ang isang Somali at Korean national habang nagpapasok ng shabu sa loob ng kulungan ng Bureau of Immigration sa Taguig City.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, naispatan ng jail guard si Ali Osman Mohamed, 37, nang iabot ang isang pakete ng sigarilyo kay Nam Sangmin, 42, na naglalaman ng droga.

Bukod sa kinakaharap nilang kaso, madaragdagan ng asuntong illegal possession of drugs ang dalawang dayuhan.

Nabisto sa record na una nang nadakip si Mohamed noong 2019 dahil sa pagiging overstaying at Nam noong 2018, na wanted sa South Korea dahil sa financial scam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?