214
pnp-dilg
By

2 dating heneral ng PNP, pasok sa DILG

Sharing is caring!

Naitalaga sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang dalawang mataas na retirado nang opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni DILG officer in charge Eduardo Año, si retired Police Chief Supt. Bernardo Florece ay undersecretary sa kagawaran, samantalang assistant secretary naman si retired Police Chief Supt. Manuel Felix.

Si Florece ay director ng PNP-Community Relations Group nang magretiro sa serbisyo, samantalang pinamunuan naman ni Felix ang PNP Directorate for Integrated Police Operations-Western Mindanao.

Ayon kay Año, palalakasin ng dalawa ang peace and order programs ng DILG.

Tinapat din nito sina Florece at Felix na malaki ang kanyang kumpiyansa sa dalawa na makakatulong ang mga ito sa mga kampanya laban sa krimen, droga, katiwalian at maging sa terorismo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?