197

Oct 20, 2017 @ 15:22

2 ‘cyber bugaw’ arestado

Arestado ng mga tauhan ng Anti-Trafficking in Person Division (ATPD) ng PNP-Women and Children’s Protection Center ang dalawang ‘cyber bugaw’ sa kanilang ikinasang operasyon sa Roxas Boulevard, sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ang dalawang bugaw na sina Jamil Sampaga at Anthony Mabansag na nasakote nitong Linggo.

Ayon kay Sr. Supt. Villamor Tuliao, hepe ng ATPD, inaresto ang dalawa matapos na ibugaw ang isang 17-anyos na dalagita sa mga foreigner nilang customer.

Hinihingan ng P5,000 sa bawat ibinubugaw nilang kabataan ang mga banyaga.

Sinabi pa ni Tuliao, may isang taon din silang nag-surveillance para maaresto ang dalawa.

Naniniwala ang hepe na kabilang sina Sampaga at Mabansag sa malawakang online sexual exploitation of children sa bansa.

Nakakulong at nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 10364 o ang Anti-Trafficking in Persons Act, Anti-Child
Pornography Act, CyberCrime Prevention Act of 2012 at Anti-Child Abuse Law ang mga naaresto. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?