57
Dead
By

2 construction workers, dedo sa gumuhong mall

Sharing is caring!

Patay ang dalawang construction workers matapos na gumuho ang ginagawa nilang gusali sa Ayala Mall construction site sa Barangay 8, Bacolod City.

Kinilala ang dalawang nasawing trabahador na sina Doddy Bo Mallorca, 30-anyos, may-asawa, residente ng Manapla, Negros Occidental, at Hercalo Abraham, 36, may-asawa at residente ng Magsungay, Bacolod City.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), ala-1:45 ng madaling-araw kanina habang naghahalo ng semento ang dalawang biktima sa may ika-anim na palapag ng ginagawang gusali nang bigla itong nag-collapse.

Agad na naisugod ang isang biktima sa pagamutan pero idineklarang dead on arrival ng mga doktor, habang ang isang biktima na natabunan ng mga semento ay isinugod din sa pagamutan pero hindi na ito umabot pa nang buhay.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?