84

2 construction worker naipit sa gumuhong Hotel Sogo sa Malate, dedo

Kumpirmadong dalawang construction worker ang nadaganan ng nag-collapse na Hotel Sogo sa Malate, Manila kaninang umaga, Setyembre 23, 2019.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktimang sina Melo Ison at Jerome Fabello.

Ayon naman kay Manila City Mayor Isko Moreno, iniimbestigahan pa nila kung sino ang mananagot sa nangyaring trahedya.

“I will task the city engineering to find out if anyone’s at fault. Meantime, we don’t want to accuse anybody until we see any laoses on Sogo or the contractor,” saad ni Moreno sa ulat ng Philstar.com.

Ang naturang motel ay pinadedemolis na mula pa Agosto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?