construction
By

2 construction worker nag-onsehan sa droga, kulong

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng dalawang construction worker matapos mag-onsehan sa droga at magsuntukan sa kalsada at inaresto ng nagpapatrulyang pulis, Huwebes ng madaling araw sa Pasig City.

Nakilala ang mga suspek na sinaJake Butor y Sapida, 37-anyos, residente 144 Atis St., Lupang Pari, Barangay San Miguel, Pasig City at Bong Muñoz y Fernandez, 42-anyos, ng Barangay Palatiw, Pasig City.

Kapwa nahaharap sa kasong alarms and scandals at paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act ang dalawa na kasalukuyanhg nakakulong sa Pasig detention cell.

Batay sa report, nagpapatrulya ang ilang tauhan ng PCP 5 sa Atis St., Lupang Pari, sakop ng Barangay San Miguel, bandang 2:30 kahapon ng madaling araw nang maispatan ang dalawang lalaki na nagsusuntukan sa kalsada.

Nabatid na onsehan sa droga ang pinagmulan ng away ng dalawang construction worker at nagawa pang tumakas nang makita ang paparating na pulis ngunit agad naman nakorner ang dalawa at dinala na sa PCP 5 para kasuhan.

Nakumpiska mula sa dalawa ang apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?