35

Oct 4, 2021 @ 15:44
By

2 Chinese,2 Kelot huli sa smuggled yosi

Himas-rehas ang apat katao kabilang ang dalawang Chinese national matapos mahuling nagtatago ng mga smuggled na sigarilyo nitong Linggo sa Balagtas, Bulacan.

Kinilala ang mga suspek na sina Zeng Qiangjian, 42, Lin Shanxiong, 48, John Bejay Agujar, 25, at Rodolfo Brosas, 45.

Nakumpiska mula sa kanila ang 711 karton ng smuggled yosi na may halagang P32,305,000.

Nahuli ang apat sa bisa ng buy-bust operation kung saan isang asset ng awtoridad ang nagpanggap na bibili ng sigarilyo sa halagang P1 milyon.

Kasama rin sa mga nakuha mula sa mga suspek ang isang Isuzu elf truck at ang buy-bust money.

Nahaharap sila sa patong-patong na kaso. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?