26

By

2 Chinese nang-kidnap ng kalahi sa Pasay

Isa na namang insidente ng pagdukot sa isang Chinese national ang nangyari makaraang madakip ang dalawang Tsino na nagkulong sa kanilang kalahi sa loob ng isang hotel sa Pasay City.

Nakilala ang nailigtas na biktima na si Qyin Renhu habang ang mga nadakip na suspect ay sina Shuchun Liu at Yinhua Gong.

Sa ulat ng Pasay City Police dakong alas-3:35 ng madaling araw nang magtungo sa Station Investigation and Detective Management Branch si Raquel Inocando kasama ang.kaibigang Tsino na si Mingcheng Cui at iniulat ang pagdukot kay Qyin.

Sinabi ni Inocando na nobyo niya si Qyin na ikinulong sa isang hotel (Courtyard Hotel) sa may Service Road ng Roxas Blvd. ng tatlong lalaking Chinese national.

Agad na umaksyon ang mga pulis na nagkasa ng operasyon sa naturang hotel.

Dakong alas-5 ng madaling araw nang masagip ng mga pulis si Qyin at madakip ang dalawa sa tatlong suspect na naabutan sa kuwarto ng hotel.

Lumalabas na may pagkakautang ang biktima ng halagang P200,000 sa mga suspect na hindi niya mabayaran.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso habang nahahatap sa kasong kidnapping ang mga suspect.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?