23

Jun 11, 2020 @ 14:50
By

2 Chinese kidnapper nanlaban, todas sa Pampanga

Patay ang dalawang Chinese na hinihinalang mga kidnapper matapos makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group sa Angeles City, Pampanga.

Nangyari ang engkwentro nitong Huwebes kung saan naispatan ng pulisya ang van na ginamit sa pangingidnap sa tatlong Chinese national sa Forest Park bandang alas-9 ng umaga.

Nang lapitan ng mga pulis ang nasabing van ay bigla na lamang silang pinaputukan ng mga nakasakay dito, dahilan para barilin din nila ang mga suspek.

Isang pulis ang nasugatan sa nasabing insidente na kaagad dinala sa ospital, habang patay naman ang dalawang suspek na nakasakay sa van.

Narekober sa mga suspek ang dalawang caliber 45 at isang M4 5.56 cal

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?