18

Oct 31, 2020 @ 13:03
By

2 Chinese dinampot sa padalang P1.6B shabu

Inaresto ang dalawang Chinese national dahil sa umano’y pagtanggap ng aabot sa 240 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.6 billion.

Pinadala ang naturang iligal na droga mula sa Selangor, Malaysia at naka-consign sa Allejam International Trading sa Maynila.

Nang suriin ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang padala sa pamamagitan ng X-ray at physical examination, dito tumambad ang ilang kilong shabu na nakabalot sa plastic.

Hinuli ang dalawang Chinese sa Cabanatuan City matapos na tanggapin ang naturang padalang shabu.

Nasa pangangalaga na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 240 kilo ng iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?